“Separation Anxiety”
Separation anxiety disorder (SAD) is a psychological condition in which an individual experiences excessive anxiety regarding separation from home or from people to whom the individual has a STRONG EMOTIONAL ATTACHMENT.
Nilalaro ko ang kamay ng katabi ko ngayon. Ipinagtatapat ko ang palad ko sa palad niya, minsan hinahampas hampas ko ito. Ewan ko ba pero ang lambot talaga ng kamay niya. Nandito kami ngayon sa backstage nakaupo sa hagdanan, naghihintay na tawagin para mag perform para sa aming RedMask Medley. Tahimik lang siya samantalang ako eto nilalaro pa din ang kamay niya.
“Uiii, ok ka lang ba?” Sabi ko habang isinasandal ang ulo ko sa balikat niya. Tiningnan ko siya at nakita ko na tinitingnan ako ng dalawang magaganda niyang mata. “Moe…please answer me.”
Ngumiti lang siya sakin. Pilit na ngiti. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko sabay halik dito.
“Let me.”sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya dun pero hinayaan ko nalang, hindi ko naman makuhang magtanong. Maya maya nanahimik nanaman kami. Tapos bigla niyang itinapat ang tenga ko sa dibdib niya. Sapat para marinig ko ang tibok ng puso niya.
“For the very last time, kung san tayo nagsimula, kung san nabuo ang tandem natin, kung san nagkaroon ng di mapantayang pagkakaibigan at kung san nabuo ang di inaasahang pagmamahalan, hayaan mo ko na ipakita sa lahat kung sino na ngayon si Julie at Elmo.”
Seryoso siya habang sinasabi niya yun. Hindi ko naman siya masagot kaya ngiti nalang ang naging sagot ko sakanya. Dumating ang oras na kailangan na naming pumunta sa stage. Ito na ang oras, hindi pa ito ang huli para sa JuliElmo, pero ito na ang last performance namin sa Party Pilipinas. Kung san nagsimula ang lahat. Nagsimula na kaming kumanta, binigay namin ang makakaya namin, seryoso kami kasi importante ito sa amin, may parte dun na kailangan naming umupo at ng mangyari yun ay agad niya akong inakbayan sabay hawak ng mahigpit sa aking kamay. Napansin siguro ng lahat na sobrang laki ng ngiti naming dalawa, lingid sa kaalaman ng iba pasimple niya akong hinalikan, hala! Ok lang nman kaso sa harap ng maraming tao? Sana isipin lang nila na kasama sa script yun kahit ang totoo hindi naman talaga. Nakita kaya yun sa TV? Bago kami tumayo habang hawak pa din niya ang kamay ko simple kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Humanda talaga tong mokong na toh sakin! Lagot kaya ako kay Papa sasabihin PDA kami. May spiel kami kasama si Janine at Alden, ayan nanaman panigurado maraming magagalit. Nang matapos ang pagtatanong kinausap niya ko.
“Julie, tara na.” Sabi niya sakin. Hindi ko siya sinagot, sinamaan ko pa nga ng tingin eh. At tska kahit naman magsabay kami iiwan pa din niya ko may next prod kaya siya. Sumabay ako kay Alden, ayan nanaman may magagalit at yung iba matutuwa. Magkaibigan kami hanggang dun lang. Nauna kami tapos biglang tumakbo si Elmo sa harap namin. Hindi na niya ko nilingon. Nasa backstage kami ngayon.
“Away nanaman kayo?” Tanong ni Alden sakin.
“Hindi ko alam. Si Moe kasi eh…ay! Basta bahala siya.”
“Bakit ? Ano ba ang nangyari?”
“Wag mo nalang alamin. Ako na ang bahala.” Pilit akong ngumiti sakanya.
“Sabi mo eh.” Ngumiti sakin si Alden. Kaibigan ko si Alden namin ni Moe. Ok naman kaming lahat. Ok nga ba? Minsan kasi napagtatalunan namin ito ni Moe. Natapos ang prod nila agad akong nilapitan ni Alden. Ako kasi yung mag spiel sakanya mamaya. Nakita naman ni Elmo yun tapos nilapitan niya kami.
“Julie.”
Hindi ko siya kinakausap, sa tono kasi ng pagtawag niya sakin para siyang galit. Sure ako aawayin nanaman niya ko. Aba! May atraso pa kaya siya sakin sa ginawa niya kanina. Patuloy ko lang kinakausap si Alden, nagtatawanan kami tapos nandun lang siya hindi ko pa din pinapansin. Pinapanuod niya lang kami ni Alden. Maya maya tinawag si Alden edi naiwan kaming dalawa.
“Julie…baby, galit ka ba?”
Hinawakan niya ang kamay ko, agad ko naman tinanggal yun tapos umalis ako. Kailangan ko na kasi pumunta dun sa harap. Natapos yung spiel, sabay kami ni Alden sa backstage.
“Den, ang galing mo kumanta kanina nag lelevel up ka na! Haha!”
“Haha! Oo na ano yun?”
“Huh?”
“Julie, kilala na kita may kailangan ka sakin noh? Ano yun?”
Napatawa ako. Oo totoong may kailangan talaga ako sakanya. “Uhmm, pwede mo bang bantayan si Moe habang wala ako?”
“Hahaha! Bakit? Wala ka bang tiwala sakanya?”
“Meron ang kaso kapag wala kasi ako alam mo na may mga ginagawa yan na hindi ko alam. Nung pumunta ako ng dubai dati? Alam mo ba ang nabalitaan ko tungkol sakanya? Umiinom daw yan!”
Napatawa naman si Alden. “Normal lang yun Julie, miss ka nun eh at mamimiss ka pa niya lalo na matagal tagal kang mawawala.”
“Ahhy, hindi normal yun noh! Ok lang naman uminom pero siyempre ayoko naman na makasanayan niya.”
“Ok sige! Ako na bahala kay Moe.”
“Thanks! Ikaw na talaga Richards!”
Closing na ng Party Pilipinas lahat kami nandun. Magkasama pa din kami ni Alden kasi nga pinag uusapan pa din namin si Moe. Pasimple ko siyang tiningnan tapos nakita kong matamlay siya. Hala! Lagot na nagtatampo na ata. Mabilis ang pangyayari, mabilis nawala si Elmo sa paningin ko. Hinanap ko siya sa iba lumabas na daw kaya sinundan ko. Nakita ko siya na nakaupo hawak ang cellphone ko. Hindi ko pa pala nakuha sakanya. Tumabi ako sakanya.
“Ehem, cellphone ko.” Hindi niya ko tiningnan inabot nalang niya ito. “Salamat”
“Masakit.” Bigla niyang sabi. “Masakit na ok lang na makita kayong magkasama, masakit na sweet ka sakanya sa harap ng maraming tao. Masakit na hindi mo yun magawa kapag ako ang kasama mo.”
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Nasaktan ko siya sa kilos ko, wala naman yun eh pero kung tutuusin talaga may kasalanan talaga ako. Aalis na ako mamaya at matagal ko siyang hindi makikita, ayokong umalis na ganito siya, kami.
“Sorry, alam mo naman na..”
Tumango siya at tumayo. “Oo, naiintindihan ko para sa relasyon natin. I get it.” Aalis na sana siya kaso hinawakan ko yung damit niya. Niyakap ko siya sa likod. Ngayon ko lang naramdaman na masakit pala talaga yung mga ginagawa ko na akala ko ok lang sakanya.
“Sorry baby.” Naluluha na pala ako. Ayokong makitang nasasaktan si Moe lalo na kung ako yung dahilan. Dahan dahan niya akong hinarap at niyakap. “Sorry”
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang dumaloy dito. “Wag ka ng umiyak, alam mo namang nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak diba?”
“Moe…” Niyakap ko ulit siya. “Wag kang bibitaw…please wag.”
“Never akong bibitaw. Sabi ko naman sayo diba? Maghihintay ako hanggang sa pwede na nating sabihin sa lahat na Ikaw na at Ako.”
“Thank you, and sorry talaga.”
“And dun pala sa ginawa ko kanina..hehehe” bigla kong naalala yung kapilyuhan niya kanina sa prod namin. Gusto ko sana sabunutan siya pero hindi nalang, naiintindihan ko na kung bakit niya ginawa yun. Ang mga pasimpleng moves ni Elmo.
“Ok na. Ang pilyo mo talaga alam mo ba yun?”
“Ou! Hahaha sayo lang naman ako ganito. Hehe! Teka, hindi pa ba tayo aalis?”
“Aalis? Tayo?” Nagtatakang tanong ko sakanya.
“Ako maghahatid sayo sa airport.”
Nagulat ako. May usapan kami sabi ko wag niya ko ihahatid. “Diba sabi ko sayo…”
“Hindi kita pwedeng ihatid? Haha! Oo alam ko yun, niloloko lang naman kita. Pero pwede ko naman siguro sumama sakin ang girlfriend ko kahit sandali lang diba?”
“Bakit? San tayo pupunta?”
“Malalaman mo din” at hinila niya ko pero bago pa kami makalayo hinarang kami ni Max tapos sabay picture eto namang si Elmo umandar nanaman ang kapilyuhan. Nang matapos yun agad kaming sumakay sa kotse niya tapos dinala niya ko sa isang pamilyar na lugar.
“Moe…”
“May ipapakita ako sayo.” Dinala niya ko sa isang malaking puno. Tapos nakita ko na nakaukit dun ang pangalan naming dalawa.
“Ang nag iisang Elmo Magalona ay nangangako na maghihintay sayo..mahal kita Julie Anne San Jose-Magalona” napangiti ako ng mabasa ko ito. Tiningnan ko siya at nginitian ko siya.
“Bakit dito mo inukit?”
“Actually nakaukit din yan sa puso ko!”
“Weeeh corny! Hahaha!”
“Hahaha! Hmm, mahalaga kasi itong lugar na ito para sa atin at tska kahit kelan hindi na pwedeng mabura yan pwera nalang kung puputulin nila ang punong toh.”
“Paano kung mangyari yun?”
Nag-isip siya ang cute talaga niya. “Edi magtatanim ako ng puno at dun ako mag uukit ng ganyan.”
“Alam mo ba kung gaano katagal ang hihintayin mo para maka ukit ulit? Ang tagal kaya lumaki ng puno. Aabutin ka ng Forever dun!”
“Ok lang yun! Kasi ikaw naman ang Forever ko diba? Forever din akong maghihintay sa paglaki ng puno na yun at kasabay nun ang mas pinatinding pagmamahal ko para sayo.”
Ano ba yan! Naiiyak nanaman ako sa sinasabi niya sakin, niyakap ko siya bigla. Nagulat naman siya pero niyakap din niya ko.
“Dito nalang ako. Ayoko ng umalis. Hindi kita iiwan.”
Kumalas siya sa yakap namin tapos hinawakan ng dalawang kamay niya yung mukha ko.
“Wag mong sabihin yan..”
“Pero Moe…hindi ko ata kakayanin, masyado akong matagal dun, hindi kita makikita ng ganun katagal? Ayoko na.”
Natawa siya at napasimangot naman ako. “Baby, diba ikaw ang nagsabi sakin na mabilis lang ang panahon? Hindi natin mamalayan na nandito ka na ulit at magkakasama na ulit tayo…kahit palihim lang. Chance mo na ito baby para ipakita sa ibang tao sa ibang bansa kung gaano ka kagaling kung ano yung talento mo. Mahirap pero kakayanin natin ito ok?”
“Moe…”
Maya maya pa naramdaman ko na ang labi niya sa noo ko. Isang tanda kung gaano niya ko nirerespeto.
“Maghihintay ako..”
Ang mga salitang yun, naalala ko nanaman. Oo tama si Elmo makakaya namin ito. Babalik naman ako eh babalik at babalik ako sakanya, paano ba naman nasakanya ang puso ko. Mahal ko si Elmo yun ang totoo kahit hindi ko ito madalas ipakita sakanya at least naipaparamdam ko naman sakanya. Mahirap talagang mawalay sa minamahal mo pero kung meron naman akong Elmo Magalona na alam kong palaging nandyan at naghihintay sakin, hindi na ako matatakot pang lumayo dahil sigurado ako na hindi ako makakatakas sa pagmamahal ng isang Elmo Magalona. Tunay at walang makakapantay. I love you Moe. I love you.
The End.
-ang hirap pala kapag sa mobile ka gumawa ng ganito, hehehe! Wala lang po ginanahan lang. Kapit lang!! Walang bibitaw!




12
